Bukod sa isang floating restaurant (Lantaw) sa Day-as, Cordova, Cebu, ay mayroon na namang bagong pasyalan na maaari mong dalawin lalo na sa mga magkasintahan. Ito ang 10,000 Roses Café. Yes, iyan ang pangalan ng cafe at sa bungad nito ay mamamangha ka sa 10,000 na pirasong mga puting rosas na gawa sa cotton at plastik. Isa sa mga may-ari nito ay isang koreano na si Ah Seong Cho, isang interior designer at step-son ng municipal mayor ng Cordova.
![]() |
Kinunan ko ang larawang ito mga bandang alas singko ng hapon. Marami na ang mga tao at padami nang padami pagsapit ng gabi. |
Bago mag Valentines ay dinumog na ito ng mga tao dahil nag-trending ito sa social media. Kaya nang pumunta kami ay nahirapan kaming mag-selfie dahil imbes na 10,000 roses ay naging 10,000 people. Ngunit, talagang mamamangha ka naman sa ganda ng lugar na kung saan ay nasa tabing dagat ito at matatanaw mo ang ilang bahagi ng Cebu City. Libre lang kumuha ng larawan kahit hindi ka o-order ng anumang inumin o pagkain. Natutuwa na ang mga may-ari nito sa mga bumibisita na kung saan ay pinapasok nila ito sa social media na naging daan upang makilala ang lugar na ito.
Sa pagsapit ng 6:00 ng gabi ay sabay-sabay na nagliliwanag ang 10,000 roses. Mapapa-wow ka na lang sa ganda nito.
Paano puntahan ang 10,000 Roses Café? Madali lang sa akin ang pumunta rito kasi taga- Cordova lang din ako. Yung mga nanggagaling pa sa City ay maaari kayong magtungo sa SM City Cebu V-Hire Terminal. Sumakay kayo pa- CORDOVA at magpababa kayo sa Gaisano Grandmall Cordova at doon sumakay kayo ng pedicab o di kaya'y tricycle. Kada-isang tao sa pedicab ay 20 pesos at sabihin n'yo lang na pupunta kayo sa 10,000 Roses Café. Sa kasalukuyan, magbabayad na ng entrance fee na 20 pesos dahil sa dami ng tao na bumibisita sa lugar. Kailangan nila ito para sa maintenance at pag-control ng trapik.
Paalala lang. Bawal hawakan ang mga roses, bawal pumasok sa ginawang harang at lalong bawal ito na pitasin o baliin. Disiplina lang sa sarili ang kailangan.
![]() |
Ako at ang aking palalabs. |
No comments:
Post a Comment